Friday, December 5, 2008


LARONG PINOY AT ANG ANTING-ANTING



pikO: lucky charm na pamato


(bato, espalto at pati pwet ng baso!)


JoLens: mas makulay mas swerte


Patintero: mapalad ang may mahabang kamay


Gagamba fight: pulang pwet ng gagamba siguradong di olats (pero nginig muna sa talhiban kasi naka kuha)


Chinesegarter: salawal na di butas ayos na (hubad kc ng palda pag recess time na)


Text: pag si Eugene ng Ghostfighter panalo na!


Pogs: isa sa nag payaman ng Coke company! inom coke = dami pogs


Taguan: mas maliit mas bibo


Watusi: ilagay ba naman sa bote matapos ikuskos at silipin ng isang mata (what to SEE talaga! )


Sa aking mga kababata (ika nga ni Rizal), hindi ba masarap balikan ang mga nakagisnan? Yaong tipong hindi mo pagsisisihan na ika'y naging isang bata ni minsan. Mga larong pinoy na napalitan na ng "electonics" na kabihasnan, ay tilang di parin mapapalitan ang mga nakamtang pawis na masangsang, sugat na naging singkong peklat at takot na mahuli dala ng pangungupit ng barya.


Sa mga naging bata ngunit hindi ko naging kababata, SUCH A LOSER!